πŸ“– Mabuting Balita November 13, 2026 0 Komento

MABUTING BALITA Lucas 18, 1-8

Ibahagi ang Mabuting Balita:

Caption suggestion: MABUTING BALITA Lucas 18, 1-8 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.. Kopyahin at i-paste ito sa Facebook post; ang title, description, at larawan ay manggagaling sa preview ng link.

MABUTING BALITA  Lucas 18, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.

β€œSa isang lungsod,” wika niya, β€œmay isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: β€˜Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya,’” At sinabi ng Panginoon, β€œNarinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


πŸ’¬ Mga Pagninilay at Komento (0)

πŸ’¬ Nais mo bang magbahagi ng iyong pagninilay?
Ang mga naka-login na miyembro at katekista ay maaaring mag-post ng komento sa ibaba.
πŸ™

Wala pang komento. Maging una sa pagbabahagi ng iyong pagninilay!